.
Ako si Tolits, your typical Pinoy on the run, este, on the go.
Kamusta mga kababayang OFW! Welcome to totoongpinoy.com.
Ako si Tolits, your typical Pinoy on the run, este, on the go. Nandito ako sa States ngayon nagtatrabaho (huwag ninyo munang itanong kung saan ok?). Tulad ninyo, marami akong naging adventures at misadventures mula nang mangibang-bansa ako. Gusto kong gamitin itong space na ‘to para i-share ang mga kuwento ko at, kung i-e-mail ninyo ako, pati na rin ang mga kuwento ninyo.
Para sa unang post ko, gusto kong pag-usapan ang una at pinaka-importanteng requirement para makarating sa States.
ANG MAKASAYSAYANG INTERVIEW PARA SA U.S. VISA
Ang dali-daling magka-Visa na credit card. Bangko pa mismo yung mangungulit sa ‘yo. Pero US Visa? Mas madali pang magpa-interrogate sa military. O manalo sa eleksyon.
Kung sabagay, ang dami taga-ibang bansang gustong makapasok sa US Tulad ng Al Qaeda. Kaya understandable kung mahigpit sila.
|










